Jamo

My blogs

Blogs I follow

About me

Gender Male
Industry Internet
Occupation Product Support Engineer
Location Peoples Republic of Arellano Avenue., Philippines
Links Audio Clip
Introduction Anak ako ni Mang Ben at Aling Lita. Isinilang na may pambihirang kulay , kayumangging-maitim. Nagtapos sa Dagonoy Kindergarden, Mababang Paaralan ng Epifanio Delos Santos, Mataas na Paaralan ng Araullo at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kasalukuyang nagtatrabaho sa SYNNEX-Concentrix Inc.,bilang Produkto Suportado Inhinyero.
Interests Mahilig uminom ng kape si Jamongoloids, ayaw nya nung mga tipong pang Starbucks at me mga eksenang iniinom ito sa kainitan ng tanghaling tapat, yung mga tamang kape mula sa vendo lang o kaya mga 3 in 1 gaya ng Nescafe, Great Taste, Blend 45 o Café Puro (para walang selosan sa ads). Gusto nya ring uminom ng tsaa na may kalamansi habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw o kaya habang nakikinig ng paborito nyang awiting nilikha noong mga dekada ‘70 at’ 80. Madalas nyang basahin ang mga pahayagang tabloid gaya ng Remate, Bomba, Toro, Bulgar at Bandera samantalang pinipilit nya namang iwasang basahin ang mga babasahin gaya ng Bugso at Sidhi (bagamat meron pa siyang naitatabing mga sipi nito) dahil sa paniniwalang ito’y labag na sa kagandahang-asal at may pagpapahiwatig na ng kahalayan. Sa kabilang banda, mas madalas syang bumisita sa inquirer.net upang sumagap ng mga nagbabagang balita sa kadahilanang ang mga malalaswang sites na mas gusto nya talagang bisitahin ay naka-block sa kanilang tanggapan . Kapag walang pasok, madalas mo siyang makikitang umiinom ng Grand Matador kasama ng kanyang mga dakilang kaibigan sa kahabaan ng Arellano, samantalang tuwing may okasyon naman at araw ng sweldo ay mas gusto nilang laklakin ang Tres Cepas. Malimit siyang pumunta sa Quiapo upang manalangin, bumili ng mga piniratang CD, kumain ng lumpiang sariwa at bumili ng murang prutas at gulay. Musika ang nagbibigay ng sigla at inspirasyon kay Jamongoloids, ang talapihitan ng kanyang radio ay nakatuon lamang sa 96.3 WRock lalo na tuwing biyernes kung kelan Friday Classics. Paborito nyang maglaro ng ahedres bagamat hindi siya bihasa sa larong ito at hindi pa kailanman nananalo sa anupamang paligsahan para dito dahil di pa naman siya sumasali sa anupamang kumpetisyon.
Favorite Movies Never Ending Story, LOTR, Star Wars, Brave Heart, Lahat ng pelikula ni Bruce Lee.
Favorite Music Songs of Don McLean, James Taylor, Queen, Beatles, Rey Valera, Basil Valdez, Ric Segreto and Rodel Naval.
Favorite Books Hiyas ng Wika, El Filibusterismo, Noli Me Tangere and The Holy Bible

Please come up with a more appropriate name for the ringtoe:

Ring three