Patakaran sa Nilalaman ng Blogger
Ang Blogger ay isang walang-bayad na serbisyo para sa komunikasyon, pagpapahayag ng sarili at kalayaan sa pananalita. Naniniwala kaming pinalalawak ng Blogger ang availability ng impormasyon, humihimok ng masiglang pakikipag-debate at ginagawang posible ang mga bagong kaugnayan sa pagitan ng mga tao. Naniniwala kaming ang pag-censor sa content na ito ay taliwas sa layunin ng isang serbisyong nakadepende sa kalayaan ng pagpapahayag.
Gayunman, upang itaguyod ang mga pagpapahalagang ito, kailangan naming kontrolin ang mga pag-abusong nagbabanta sa aming kakayahang ilaan ang serbisyong ito at ang kalayaan sa pagpapahayag na itinataguyod nito. Bilang resulta, may ilang mga hangganan o limitasyon sa uri ng content na maaaring ma-host sa Blogger. Ang mga hangganang itinakda namin ay yaong kapwa sumusunod sa mga legal na kahilingan at kumikilos upang pagbutihin pa ang serbisyo sa pangkalahatan.
Kung may nakita kang blog na pinaniniwalaan mong lumalabag sa aming mga patakaran, mangyaring iulat ito sa amin gamit ang link na 'Mag-ulat ng Pag-abuso' sa itaas ng bawat blog sa ilalim ng dropdown na 'Higit pa'. Kung hindi ipinakita ng may-ari ng blog ang link na ito, maaari mo pa ring iulat ang pag-abuso sa Help Center ng Blogger.
Mga Hangganan ng Nilalaman
May mahalagang papel ang aming mga patakaran sa content sa pagpapanatili ng positibong karanasan para sa iyo, ang mga user. Mangyaring sundin ang mga alituntuning ito. Maaari naming baguhin paminsan-minsan ang aming mga patakaran sa content, kaya mangyaring bumalik dito. Pakitandaan din na sa pagpapatupad sa mga patakaran sa ibaba, maaari kaming gumawa ng mga pagbubukod batay sa mga pagsasaalang-alang sa sining, edukasyon, dokumentaryo o agham o kapag may iba pang mga makabuluhang pakinabang sa publiko ang hindi pagsasagawa ng pagkilos sa content.
Adult Content: Pinapayagan namin ang adult content sa Blogger, kabilang na ang mga larawan o video na naglalaman ng kahubaran o sekswal na aktibidad. Kung may adult content ang iyong blog, pakimarkahan ito bilang 'adult' sa iyong mga setting ng Blogger. Maaari din kaming magmarka ng mga blog na may adult content kapag hindi minarkahan ng mga may-ari. Lahat ng blog na minarkahan bilang 'adult' ay ilalagay sa likod ng isang pamagitang babala hinggil sa 'adult content.' Kung may pamagitang babala ang iyong blog, mangyaring huwag subukang dayain o i-disable ang pamagitan - para ito sa proteksyon sa lahat.
May ilang pagbubukod sa aming patakaran sa adult content:
- Huwag gamitin ang Blogger bilang isang paraan upang pagkakitaan ang adult content. Halimbawa, huwag gumawa ng mga blog na naglalaman ng mga ad para sa o mga link patungo sa mga komersyal na site ng porn.
- Hindi namin pinapayagan ang ilegal na sekswal na content, kabilang na ang content na larawan, video o text na nagpapakita o naghihikayat ng panggagahasa, incest, bestiality o necrophilia.
- Huwag mag-post o mamahagi ng mga pribadong hubad o tahasang sekswal na larawan o video nang hindi pinapahintulutan ng subject. Kung may nag-post ng pribadong hubad o tahasang sekswal na larawan o video mo, pakiulat ito sa amin dito.
Kaligtasan ng bata: Mayroon kaming zero-tolerance na patakaran hinggil sa content na nananamantala ng mga bata. Kabilang sa ilang halimbawa nito ang:
- Imagery ng pang-aabusong sekswal sa kabataan: Wawakasan namin ang mga account ng sinumang user na malalaman naming nagpa-publish o namamahagi ng imagery ng pang-aabusong sekswal sa kabataan. Iuulat din namin ang user na iyon sa kinauukulan.
- Pedophilia: Hindi namin pinapayagan ang content na naghihikayat o nagpo-promote ng sekswal na pagkahumaling sa kabataan. Halimbawa, huwag gumawa ng mga blog na may mga gallery ng mga larawan ng mga bata kung saan sekswal na nagpapahiwatig ang koleksyon ng mga larawan o text na kasama ng mga larawan, at huwag mag-publish ng content na sekswal kung saan may menor de edad.
Mapoot na Pagsasalita: Ang aming mga produkto ay mga plataporma para sa malayang pagpapahayag. Gayunpaman, hindi namin sinusuportahan ang content na nagpo-promote o nagpapahintulot ng karahasan laban sa mga indibidwal o pangkat batay sa lahi o etnikong pinagmulan, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, bansang pinagmulan, status na beterano o sekswal na oryentasyon/pagkakakilanlang pangkasarian, o ang pangunahing layunin ay pumukaw ng galit batay sa mga pangunahing katangian na ito. Maaaring maingat na pagbabalanse ito, ngunit kung ang pangunahing layunin ay manakit ng pinoprotektahang pangkat, lumalabis na ang content.
Nakakadiring Content: Huwag mag-post ng content para lang maging nakakasindak o graphic. Halimbawa, lalabag sa patakarang ito ang mga koleksyon ng mga malapitang larawan ng mga tama ng baril o aksidente na walang karagdagang konteksto o komentaryo.
Karahasan: Huwag manakot ng ibang mga tao sa iyong blog. Halimbawa, huwag mag-post ng mga banta sa buhay laban sa ibang tao o pangkat ng mga tao at huwag mag-post ng content na humihikayat sa mga mambabasa mo na magsagawa ng karahasan laban sa ibang tao o pangkat ng mga tao.
Panliligalig: Huwag manligalig o mang-bully ng iba. Maaaring alisin ang nakakapanakit na content ng sinumang gumagamit ng Blogger na manliligalig o mambu-bully o maaari siyang permanenteng ma-ban sa site. Ilegal din ang panliligalig online sa maraming lugar at maaari itong magkaroon ng malulubhang kahihinatnan sa totoong buhay.
Copyright: Patakaran naming tumugon sa malilinaw na paunawa hinggil sa pinaghihinalaang paglabag sa copyright. Makikita rito ang higit pang impormasyon tungkol sa aming mga patakaran sa copyright. Mangyaring huwag ding magbigay ng mga link patungo sa mga site kung saan makakapag-download nang walang pahintulot ang iyong mga mambabasa ng content ng ibang mga tao.
Personal at kumpedensyal na impormasyon: Hindi ok na mag-publish ng personal at kumpedensyal na impormasyon ng ibang tao. Halimbawa, huwag mag-post ng mga numero ng credit card, mga numero ng Social Security, hindi nakalistang numero ng telepono at numero ng driver's license ng ibang tao. Bilang karagdagan, huwag mag-post o mamahagi ng mga larawan o video ng mga menor de edad nang wala ng kinakailangang pahintulot mula sa kanilang mga legal na kinatawan. Kung may nag-post ng larawan o video ng isang menor de edad nang wala ng kinakailangang pahintulot, mangyaring iulat ito sa amin dito. Gayundin, pakitandaan na kadalasan, hindi itinuturing na pribado o kumpedensyal ang impormasyong available na sa ibang lugar sa Internet o sa mga pampublikong talaan sa ilalim ng aming mga patakaran.
Pagpapanggap bilang ibang tao: Mangyaring huwag manlinlang o manlito ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang ibang tao o pagpapanggap na kumakatawan sa isang organisasyon kahit hindi naman. Hindi namin sinasabi na hindi ka maaaring mag-publish ng parody o satire - iwasan lang ang content na malamang na makapanlinlang ng mga mambabasa tungkol sa totoo mong pagkakakilanlan.
Mga ilegal na aktibidad: Huwag gamitin ang Blogger upang sumali sa mga ilegal na aktibidad o upang mag-promote ng mga mapanganib at ilegal na aktibidad. Halimbawa, huwag sumulat ng blog na humihikayat sa mga tao na uminom ng alak at magmaneho. Mangyaring huwag ding gamitin ang Blogger upang magbenta o mag-promote ng mga ipinagbabawal na gamot. Kung hindi, maaari naming i-delete ang iyong content. Sa malulubhang sitwasyon gaya ng mga may kinalaman sa pang-aabuso sa mga bata, maaari ka rin naming iulat sa mga kinauukulan.
Mga Kinokontrol na Produkto at Serbisyo: Huwag gamitin ang Blogger upang magbenta o pangasiwaan ang pagbebenta ng mga kinokontrol na produkto at serbisyo, gaya ng alak, pagsusugal, mga gamot at hindi naaprubahang supplement, sigarilyo, mga paputok, mga armas o mga pangkalusugan/medikal na device.
Spam: May ilang anyo ng spam sa Blogger, kung saan maaaring magresulta ang lahat ng ito sa pagde-delete sa iyong account o blog. Kabilang sa ilang halimbawa ang paggawa ng mga blog na idinisenyo upang humimok ng trapiko patungo sa iyong site o upang pataasin ito sa mga listahan ng paghahanap, pagpo-post ng mga komento sa mga blog ng ibang mga tao para lang i-promote ang iyong site o produkto, at pangongopya ng umiiral nang content galing sa iba pang mga pinagmulan para sa pangunahing layunin na magkaroon ng kita o iba pang personal na pakinabang.
Malware at mga virus: Huwag gumawa ng mga blog na nagpapadala ng mga virus, nagsasanhi ng mga pop-up, sinusubukang mag-install ng software nang hindi pinapahintulutan ng mambabasa o kung hindi naman ay nagbibigay sa mga mambabasa ng nakakapinsalang code. Mahigpit itong ipinagbabawal sa Blogger.
Pagpapatupad ng Patakaran sa Nilalaman ng Blogger
Mangyaring iulat sa amin ang mga pinaghihinalaang paglabag sa aming patakaran gamit ang link na 'Mag-ulat ng Pag-abuso' sa itaas ng bawat blog sa ilalim ng dropdown na 'Higit pa' o sa pamamagitan ng pag-click dito.
Sinusuri ng aming team ang mga pag-flag ng user sa mga paglabag sa patakaran. Kung hindi nilalabag ng isang blog ang aming mga patakaran, hindi kami magsasagawa ng anumang pagkilos laban sa blog o may-ari ng blog. Kung makita naming nilalabag nga ng isang blog ang aming mga patakaran sa content, magsasagawa kami ng isa o higit pa sa sumusunod na pagkilos depende sa bigat ng paglabag:
- Ilagay ang blog sa likod ng isang interstitial na 'pang-adult na content'
- Ilagay ang blog sa likod ng isang interstitial kung saan ang may-akda lang ng blog ang maaaring maka-access sa content
- I-delete ang nakakasakit na content, post sa blog o blog
- I-disable ang access ng may-akda sa kanyang Blogger account
- I-disable ang access ng may-akda sa kanyang Google account
- Iulat ang user sa nagpapatupad ng batas
Maaari din naming gawin ang anuman sa mga nabanggit na pagkilos kung malaman naming gumawa ang isang user ng maraming blog na paulit-ulit na gumagawa ng mapang-abusong pagkilos. Kung may na-disable ka nang blog, huwag gumawa ng pamalit na blog na sumasali sa katulad na aktibidad.
