Ama Namin,sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.
ANG ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria,napupuno ka ng grasiya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.
ANG LUWALHATI
LUWALHATI sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang-hanggan. Amen.
LUWALHATI SA DIYOS
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan Kaloob sa lupa ay kapayapaan Pinupuri ka’t ipinagdarangal Sinasamba ka Dahil sa dakila mong kaluwalhatian Panginoon naming Diyos Hari ng langit Amang Makapangyarihan Panginoong Hesukristo Bugtng na Anak ng Diyos Kordero ng Ama Ikaw ng nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Tanggapin mo an gaming kahilingan Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama Maawa ka sa amin Ikaw lamang ang Banal Panginoong Hesukristo Kasama ng Espiritu Sa luwalhati ng Ama, Amen
ANG PANGINOON KONG HESUKRISTO
Panginoon kong \hesukristo, Diyos na totoo at tao naming totoo, gumawa at sumakop sa akin. Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko, at Ama ko. Na iniibig ko nang lalo sa lahat. At nagtitika akong matibay na matibay na din a ako muli-muling magkakasala sa iyo. At nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo sa Krus, dahilan sa akin. Siya nawa.
ANG SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, Iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, Ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinarororonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen
PANALANGIN BAGO KUMAIN
Bendisyunan mo po kami at sampu niyaring mga biyayang ito na aming kakanin na pawing galling sa dakila mong kabutihan alang- alang kay Hesukristong Panginoon naming. Siya nawa.
posted by Gionette Kennel at 5:49 AM on Sep 10, 2008
"MGA PANALANGIN"
No comments yet. -