tag:blogger.com,1999:blog-83849592008-03-14T14:08:32.601+08:00jumpcutanamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comBlogger42125tag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-31872563552739745402007-02-26T16:29:00.001+08:002007-02-26T16:29:10.383+08:00KABATAAN Partylist Video
<object height='350' width='425'><param value='http://youtube.com/v/odZ3rGz1WL0' name='movie'></param><embed height='350' width='425' type='application/x-shockwave-flash' src='http://youtube.com/v/odZ3rGz1WL0'></embed></object>
Kabataan, tagapagmana ng bukas, tagahulma ng kapalaran, pag-asa ng
bayan: Panahon na para sumuway at maging mapangahas.
Sumuway sa kasalukuyang ayos ng karahasan. Magpumiglas laban sa lupit
ng kahirapan. Sumalungat sa karaniwang agos ng kawalang pakialam.
Ituwid ang tiwali, iwaksi ng bulok, ipagtanggol ang mga api.
Kabataan:
Magtanong
Maghamon
Magtangka
Makisangkot.
Kailangang mag-aral hindi lamang sa loob ng paaralan, maghanapbuhay
upang maunawaan ang halaga ng paggawa, maghabol ng mga pangarap,
makapagsilbi, makilala ang sarili, maging makabuluhan sa lipunan.
Kabataan, kailangang magpatuloy.
Kailangang pumadyak. Kailangang kumampay. Kailangang huminga. Sa oras
ng pagkagipit nakakakuha ng lakas ang kabataan para lumangoy.
Nakakagalit ang mga nagaganap: Katiwalian, kahirapan, kawalang
katarungan. Pero ang galit natin ang ating armas.
Tulad ng ng ating mga bayaning nagsilbi sa kapwa at nag-alay ng buhay
para sa bansa:
Kung kailangang nasa bingit at pinagmumuntik-muntikanan, doon tayo
lalong nagiging matalas at mas mapangahas.
Dahil sa simula pa lang naman ng ating kasaysayan: Alam nating
nakakamit lang ang pagbabago kung iniluwal ito mula sa pinakamagiting
na pag-iral at pakikipaglaban ng kabataan.
Kabataan, pag-asa ng bayan. Walang ibang tagapagmana ng bukas kundi
tayo. Walang ibang huhulma ng bukas kundi tayo.
Kabataan, panahon na para sumuway at maging mapangahas.
Ngayong eleksyon, susuway tayo sa dikta ng kawalang-pakialam at
kawalang-katiyakan. Hindi tayo magkikimi ni hihingi ng paumanhin. Ang
pagsuway ay isang pagpapasiya. Ang pagsuway ay pagpanig. At pagkitil
sa pangit na kabilang hindi natin pinili. Ito'y pagkikipagtitigan sa
mata. Ito'y paniningil at pagtiyak sa ating mga karapatan. Ito'y
pagtangan sa papel natin sa pagbabago.
At paghamon sa sarili upang kumilos tungo sa isang mas makatao at
makatarungang mundo.
Kabataan:
Magtanong
Maghamon
Magtangka
Makisangkot.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1168770778581886022007-01-14T18:29:00.000+08:002007-01-14T18:55:07.820+08:00Sorry for the inconveniencePanis na ang lahat ng naisip kong i-post sa blog na ito, lalo na ngayon andami sanang photos. Minsan kasi parang diva-divahan masyado dito. Deadpan (tulad ko raw sa totoong buhay), kahit sa pinaka-personal at intimate na mga kuwento. Well well well. Dahil bagong taon, may ibabahagi akong dalawang sikreto kung bakit di nau-update ito: (1) mayroon ako ngayong addiction (affliction?) na very select few lang ang nakakaalam; at (2) sa totoo lang, meron talaga akong isa pang blog na aliw na aliw na aliw ako sa titulo. Doon ko nilalagay ‘yung tipo ng mga istoryang hindi ko ikukuwento, unless naka-tatlong istik na ako. At ang raunchy ng posts pare (hahaha asa pa). Pero sikreto muna (maliban sa lurkers). You see, merong security issues... hehehe feeling.
Naalala ko sa title ng post na ito ‘yung book launch ko noong high school. Ang title ng programa, ‘sorry for the inconvenience.’ Bukod sa ibang seryosong mga katwiran sa likod ng titulo, naisip naming swak rin kasi kailangan pang sumadya ng mga tao at mga taga-makiling sa dreams cafe sa malate para sa launch (weno, naka-coaster naman sila c/o CCP). At aliw kami noon dun sa isang kanta ng agaw agimat kung saan sa simula, sisigaw si QT ng “Sorry for the inconvenience, this is where your taxes go!” Cut & pasted & xeroxed pa ‘yung program notes, na si Kerima ang gumawa. Ginawan din niya ako dun ng illustration, itsura ko noong high school: black shirt, OA sa aksesorya (singsing each finger, 3 earring each earlobe, bracelets, beads, etc) cutoff denim shorts, may anklets, naka-paa, at di-sinusuklay ang mahabang nakalugay na buhok.
May nagbasa ng mga tula. Tumugtog ang mga kaibigan namin ng mga kanta mula sa mga tula sa libro. Nag-ballet sina Donna Miranda at Nina Hayuma Habulan sa ritmo ng tula ko tungkol sa paghahayuma ng mga mangingisda. Pagkatapos, nag-inuman kami. Nalalasahan ko pa ‘yung Japanese tea cakes na binigay sa akin ng may-ari ng bar. Wala akong manners nang pinasalamatan ko lang thru the waiter at di man lang inanyayahan sa aming mesa, a few seconds lang ako chumika sa table ng supportive friends & collegues ni Papa, di man lang nagpasalamat nang ireview ako ni Juaniyo Arcellana at marami pang ibang kagagahan. Itong mga taong ito, sa susunod na mga taon, ay bibigyan kami ng breaks at hanggang ngayon nangingiwi ako kapag naaalala ko ‘yung katangahan, kaarogantehan, kalituhan at sobrang kaligayahan ng aking 15-year-old self.
Minsan (madalas?) nagre-resurface ang 15-year old. At in a few weeks, birthday ko na. At in a few more years... You know what they say about the Big 3-0. All that wisdom, sophistication, the peak of sexuality and getting away with it.
Teka. Anu'ng pinagkaiba nun sa kinse anyos?anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1165417014336711612006-12-06T21:46:00.000+08:002006-12-06T22:56:57.086+08:00carte da trionfi1. malalang pagkakasakit/kamatayan sa dalawang matatandang lalaki sa pamilya/kaanak.
2. ang panganay, biniyayaan ng sobrang creativity at talent at napakaraming gustong gawin; ang ikalawa, unti-unti pero magugulat kayo sa kanyang pamumukadkad; ang ikatlo, magiging pangunahing leader/political figure, at ang bunso, ay magdadala ng napakalaking impluwensiya at pagbabago sa lipunan.
3. isang marangyang pag-iisang dibdib ng dalawang mula sa ibayong dagat.
4. may apo ka na ba? (meron) may darating pang isa, at labis na suwerte ang dala nito sa inyo.
:ito ang natatandaan kong mga punto noong humarap sa tarot cards si mama nits sa newsdesk isang biyernes ng gabi dalawang linggo ang nakaraan. nangyari na ang #1 at #3. ang #2, papandayin pa ng kasaysayan. at ang ikahuli? nagtuturuan na kaming magkakapatid ngayon. :b samantala, nakilala ko si La Papessa.
You are The High Priestess
Science, Wisdom, Knowledge, Education.
The High Priestess is the card of knowledge, instinctual, supernatural, secret knowledge. She holds scrolls of arcane information that she might, or might not reveal to you. The moon crown on her head as well as the crescent by her foot indicates her willingness to illuminate what you otherwise might not see, reveal the secrets you need to know. The High Priestess is also associated with the moon however and can also indicate change or fluxuation, particularily when it comes to your moods.
What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.
trahedya,
originally uploaded by pia ipil.
Itinuturing kong beterana na ako sa mga bulilyaso, pero nalagay ako sa lugar nang pumasok sa ER ang nanay ni Roger.
Tinahi ang ulo ni Roger, isang stich. In-Xray at under observation, every 3 hours kelangang gisingin ang kawawang bata. Nangyari ang lahat sa loob ng tatlong oras. 5:30pm tumawag si E. Kapapatay lang niya ng yosi niya at papasok sa gate ng eskwelahan para sunduin na si Anton. 5:35pm tumawag uli: Putok ang ulo ni Bespren Roger, tinulak kase ni Anton.
Atak si E, Anton at Roger sa ER. Salamat sa Sun 24/7, lahat ng desisyon at kaganapan itinatawag sa kin, dahil takot sa dugo at tanga si E, at ako ang 'beterana' sa aming dalawa. Pero tatlong beses pa kong binagsakan ng telepono at cellphone pagtawag ko sa mga magulang ni Roger, bago sila finally nakumbinseng trobol talaga ang anak nila, c/o anak ko. "Hello? Mommy po ako ng kaklase ni Roger, may nangyari po, dinala po namin sa ospital anak n'yo." Blag. Hello, hindi po ako dugu-dugo gang,pramis!
Dumating rin ang mga magulang. Nauna ang tatay, na halos di rin makapagdesisyon. Iniwan pa niya uli si Roger sa ER para hagilapin ang nanay, na teacher sa St. Claire at "Babe" ang tawag sa asawa. "Babe, hindi kasi sinundo agad ng traysikel mo si Roger, naku Babe makakatikim na sa 'kin 'yang tao mo." Malamig at malambing ang boses ng nanay ni Roger sa anak, authoritative at inquisitive ang tono sa ER staff, galit pero sibilisado sa driver ng service, maternal at forgiving sa akin.
Sugod din naman sa ospital si Tita Paola at Dino, moral support at usyoso. Sabi ng nanay ni Roger, sa boses niyang kabigha-bighani, "Ganyan talaga ang mga bata, wala tayong magagawa. Tsaka, ilambeses na rin naman nangyari ito e (meaning malamang na na-disgrasya ang anak niya)."
Sagot naman si Tita Pao, sa pagtatangkang maging so agreeable para makuha ang loob ng naatraso, "O nga ho, kay Anton din, ilambeses na rin naman nangyari ito, hehehe."
Ooopps.
Tinanong si Roger, bakit naman di agad sila nagsabing me sugat siya. "Kasi po, ayaw na po namin ni Anton na may madamay pang iba." Nilunok ko ang Nye! na nagpumiglas sa lalamunan ko.
Badtrip naman si VJ Rubio sa ospital, mertayoleyt lang daw dapat 'yun, "Pinalalaki nila away bata!" Sabi naman ni Benrey Densing, naranasan na niya ang parehong matulak at maputok ang ulo, at ang makatulak at maputok ang ulo ng tinulak niya. Mas na-trauma daw siya nu'ng siya ang nakatulak. Kala niya nakapatay na siya.
Pero si Anton, sa buong panahon ng mga pangyayari: tameme, parang nalunok ang sariling dila, walang masabi.
Noong pauwi ako sa bus nun, umaapaw ang utak ko sa kaiisip: ang pagkalapit sa aksidente ng mga bata, at ang dami ng mga taong dapat kong kausapin at paliwanagan, at kung anubang life lesson na ipasusungkit ko kay Anton sa karanasang ito, at ang gastos sa ospital, na unconsciously kinukuwenta ko na palang pantuition na sana sa kumon this month, pambili nung motherboard na kelangang-kelangan ko, o pang-iskor ng bikini para sa trip to Palawan.... nang mapansin ko 'yung katabi kong mama, may hawak na isang bugkos ng mga riseta, mabaho at gula-gulanit ang damit, tulirong nawawalang bumaba sa tapat ng kidney institute, nagkandahubad pa ang pudpod niyang tsinelas. Lalo akong napaisip. Bakit lagi na lang mga mamang nakasuot ng pudpod na tsinelas ang aking nagiging mga Angel of History?
Ngayon, kinabukasan ng mga pangyayari, nagrekwes si Anton na sunduin daw siya ng maaga, tutal wala naman din daw si Roger sa school. Samantala, andito ako, pumapatay ng oras, pero dapat tumatawag na ako uli ngayon sa bahay nila Roger para kumustahin ang bata at makipag-usap - nanay sa nanay - isusuot ko ang boses kong may kontrol at sigurado sa ginagawa. Pero para akong si Anton ngayon, 9 years old, bagong bungi ang ngipin at medyo overweight, di-sinasadyang nakaaksidente, tameme, parang nalunok ang sariling dila, walang masabi.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1164682049812206172006-11-28T10:47:00.000+08:002006-11-28T21:32:12.706+08:00kilometer zero
kilometer zero, originally uploaded by pia ipil.
hot off the press :)
bagong magasin namin nila vj rubio, benrey densing, mark de leon at erwin pascual (walang malisya, pramis); kolumnista dito sila prof reagan maiquez at prof carlos piocos at dada docot ng tokyo university.
para sa milyong migranteng mga pilipino, isang paraan ito ng pagtanong at pagsagot namin sa katagang "kumusta na?"
*** LIBRE lang sa mga suking tindahan sa japan at singapore.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1164623319717630902006-11-27T18:20:00.000+08:002006-11-30T10:48:15.560+08:00Photo Exhibit ni Tata Gil
IN the course of being on assignment for another purpose, it occurred to me to extend the scope of my photographic documentation of war's effects on children in my travels to the ARMM (autonomous region of muslim mindanao) and the sites of MILF (Moro Islamic Liberation Front) strongholds in Cotabato, Basilan and Sulu from 2003 to 2005.
The images from this exhibit are the result of that effort.
-- Gil Nartea
Nakasabit pa:
'Children in Conflict Situations - A Photography Exhibit by Gil Nartea'
The Oarhouse, 1803 A. Mabini St., Malate, Manila
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1162210776630960562006-10-30T20:13:00.000+08:002006-10-30T20:52:42.480+08:00I googled Google
at nalaman kong dapat ata akong mag-apologize? sabi kasi *daw sa site nila:
A trademark is a word, name, symbol or device that identifies a particular company's products or services. Google is a trademark identifying Google Inc. and our search technology and services. While we're pleased that so many people think of us when they think of searching the web, let's face it, we do have a brand to protect, so we'd like to make clear that you should please only use "Google" when you’re actually referring to Google Inc. and our services.
Here are some hopefully helpful examples.
Usage: 'Google' as noun referring to, well, us.
Example: "I just love Google, they're soooo cute and cuddly and adorable and awesome!"
Our lawyers say: Good. Very, very good. There's no question here that you're referring to Google Inc. as a company. Use it widely, and hey, tell a friend.
Usage: 'Google' as verb referring to searching for information on, um, Google.
Example: "I googled him on the well-known website Google.com and he seems pretty interesting."
Our lawyers say: Well, we're happy at least that it's clear you mean searching on Google.com. As our friends at Merriam-Webster note, to "Google" means "to use the Google search engine to find information about (as a person) on the World Wide Web."
Usage: 'Google' as verb referring to searching for information via any conduit other than Google.
Example: "I googled him on Yahoo and he seems pretty interesting."
Our lawyers say: Bad. Very, very bad. You can only "Google" on the Google search engine. If you absolutely must use one of our competitors, please feel free to "search" on Yahoo or any other search engine.
Natuto na raw sila sa kaso ng colgate na Close-Up, frigidaire na GE, o coke na RC Cola, sa cellophane, thermos at zipper. Naku pano na sila Oxford at Merriam. Hm, (kebs muna sa adsense haha) masakit naman talaga siguro maging generic (maliban lang kung maysakit ka. haha), pero mapapailing ka na lang talaga dahil alam naman nating hindi simpleng pangalan lang ang pinag-uusapan dito. anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1160399919159398942006-10-09T21:16:00.000+08:002006-10-09T21:21:51.236+08:00Talking with the deadIsang bagay na nakakairita sa pakikipag-usap sa mga patay ay kailangan kong pagtiisan ‘yung nakakakilabot nilang sense of humor. Kapag magpapaalam na sila, magbibitiw ba naman ng “Hanggang sa muli.” “Later” O kaya, “kita-kits.” Ang malala, minsan bigla silang susulpot at babatiin ako ng simpleng “Mabuhay.” Deadpan ha.
Tulad noong isang gabi sa attic, kausap ko ang multo ni Leona Florentino. Mayroon akong ilang bagong tula, at kanino ko pa ba naman ito ipapa-workshop at critique kundi sa tinaguriang “first female poet” ng Pilipinas. (At least, ayon sa historyador ng mga Espanyol. Alam naman natin ang mayamang oral tradition ng ating kultura, ang ilanlibong taon nating mga tula, awit at kuwento na ipinasa sa pamamagitan ng storytelling, kaya, halos walang material documentation. Malamang ang pinakaunang mga makata ay ang mga babaylan na umaawit ng ilang oras, o araw, ng mga epiko - ispontanyo, kagyat, eksatong hinahabi at binuburda ang naratibo ng kanyang mga tao.) Anyway, matagal na binasa ni Leona ang mga tula, at sinabi ng binibining mas maganda kung animation na lang ang mga ito. Kakakilabot, ‘di ba.
Simpayat ko si Leona, pero mas sakitin siya. Nalaman ko ito mula pa lang sa kauna-unahan naming pagtatagpo nang mag-aparisyon siya sa salamin habang nagsesepilyo ako, at bumulwak ng dugo ang kanyang bibig nang tawagin niya ang aking pangalan. Parang wala na ring itataba pa talaga ang katawan niya, kahit sobrang hilig niyang kumain. Siguro hindi lang talaga nagkakabilbil pa ang mga sumakabilang buhay na. Alas tres ng madaling araw, at magpipiyesta kami ni Leona sa tuna sashimi, Hershey’s bitter dark chocolates, at Boy Bawang na pinabili ko pa kay Anton noong maaga-aga pa.
Minsan, babasa-basahin niya ang mga tula ko, o ‘yung lineup ng articles sa ineedit kong magazines. Pero madalas, nagtsi-tsimisan lang kami. Magkukuwento siya tungkol sa asawa niyang minsang nagbigay ng ultimatum: “Choose between me or your silly verses!” Magpapasikat naman ako ng istorya ng daring escapades ko, este, mga kaibigan ko, sa bakasakaling ma-shock ko ang kanyang convent upbringing. (Lagi naman akong nabibigo). Ibubulong niya sa tenga ko ang pangalan ng mga taong nakita niyang patungo sa impiyerno. Buhay na buhay ang mga pag-uusap namin (pun intended). Walang dead air (unintended). Magkukuwento siya sa akin tungkol sa nakaraan; isasalaysay ko sa kanya ang tungkol sa kasalukuyan. Pero walang makapagsabi sa amin ng mangyayari sa hinaharap. What do you expect - multo lang siya, at tao lang naman po ako (o diyosa, sometimes).
Noong bisperas ng martial law anniversary, may ipinakita ako sa kanyang isang listahan ng mga pangalan ng desaparecidos, mga taong biglang nawala noong panahon ng Marcos dictatorship hanggang sa administrasyon nila Cory, Ramos, Erap, at Arroyo. Malaki ang posibilidad na biktima ang mga ito ng warantless arrests, tortyur o summary executions; marami kasi sa kanila ay nagpumiglas laban sa kalabisan ng pamahalaan. Pero dahil wala pang nakikitang bangkay ni kapiraso nilang pagkakilalan, patuloy na naghihintay ang kanilang mga mahal sa buhay, naghahagilap ng isang kongkretong ending sa deka-dekadang paghahanap.
“I may or may not have met some of them,” sabi ni Leona, scanning the list. “Ghosts don’t go around wearing IDs, therefore I cannot be so sure. And supposing that I bump into one of them roaming our dimension, would the relatives gain closure if you say that you are certain their kin is dead because a ghost told you so?” Hihirit na naman si Leona – patay kang bata ka.
“Dios mio! You shouldn’t think that a ghost like me can clear the air after years of plunder, killings, and human rights abuses hindi lang ni Makoy, pero lahat silang mga presidenteng sumunod pa. The answer lies not with the dead and buried; it must come from living, breathing people like you who could demand and take action so that persons responsible for such injustice pay up and the system that allows it be changed.”
Dead right, sang-ayon ko sa kanya. Inabot ko ang kanyang kamay, at tumagos ang hawak ko sa blangko, pero mabigat na espasyo. Samantala, magsisindi ako ng kandila para sa mga kaluluwang gala.anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1153820093735637622006-07-25T17:32:00.000+08:002006-07-25T17:34:53.750+08:00Mata-matayaNagmamata-mataya sila Anton.
Sa bersyon nila, pwedeng pumili ng alias ang bawat isa. Pero ang balagoong, sila ang nagbinyag. Black Gloria ang napili nilang alyas nung batang laging taya. Maya-maya, gusto nang umuwi ni Black Gloria. Napoo-poopoo daw. Teka, sabi ni Anton kay Black Gloria. Magdeklara ka muna ng state of emergency! Kaya pormal na ipinatupad ni Black Gloria ang state of emergency at mabilis na nagbanyo. Nabuwag at nagsiuwian ang barkada. Si Anton, kuwento ng kuwento habang naliligo. Tawa naman ako ng tawa habang kinukuskos ang marumi niyang siko.anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1150360304758377952006-06-15T16:28:00.000+08:002006-06-15T16:40:40.996+08:00Housebroken
bahay ni gloria, 2
Originally uploaded by spiritchild.
macaraeg-macapagal ancestral house
sa tabi ng timoga falls
iligan, mindanao
kuha ni piya constantino
1. tara!
2. nasa kama ka na, baba ka pa ba sa papag?
3. if i were in gloria's shoes...
4. ang (nag-iisang nararapat na) trono ni gloria
*ito ang ginawa ko kaya tambak ang trabaho pagbalik ng maynila.
kaya ngayon lang nakapagupdate ng blog. ay, nagworkshop din pala.
13th iligan national writers workshop. kasama si darkhorse.
tenderjuicy(teary eyed): i found my passion in iligan.
darkhorse(in a monochromatic urban chic-meets-turn of the century outfit): i found my fashion in iligan.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1147162785762225952006-05-09T16:07:00.000+08:002006-05-09T16:22:21.896+08:00Kung Paano Mo Isasalba Ang Sarili Mong BuhayTarget ngayon ni Antonio Amador: patampukin ang erotic fiction sa Filipino. Kaya't ilalabas ang unang serye ng erotikong mga nobelang ito ngayong Hulyo. Ibig sabihin, kailangan kong matapos ang final draft ng Mayo 15. Nyay. Me naalala tuloy akong joke.
Lalaki1: Katapusan na!!!!
Lalaki2: Ano'ng katapusan? E a-kinse pa lang 'no!
Excerpt:
Chapter 1
Kung Paano Mo Isasalba ang Sarili Mong Buhay
Noong gahasain si Maya ni General Juan Kapalaran, nanonood si Chris. May nakatutok na .45 sa sentido nito. Nakaposas ang mga kamay at balot ang halos buong mukha ng packaging tape. Halos buong mukha, maliban sa mga mata nito.
Ang ganda ng mga mata ni Chris, putsa. Pag tinititigan niya ito, nakikita niya ang mito ng bughaw na langit at asul na karagatan. Sumasakay siya sa puting mga ulap. Dinuduyan siya ng malalambot na mga alon. Pag tinititigan niya si Chris, pakiramdam ni Maya nakainom siya ng malamig na malamig na tubig matapos ang napakatagal na pagtakbo. Malamig ang lupa sa kanyang mga paa. Malambot ang mundo sa talampakan niyang hapo. Sino’ng mag-aakalang ang hayup sa gandang mga matang iyon ay makakasaksi ng ganun kasahol na mga pangyayari?
Ang naaalala niya’y habang ginagahasa siya ni General Kapalaran ay nakatiwangwang ang malalaking bintana ng kanilang inuupahan, at kitang-kita ni Maya, ang umaga ay indigo noong araw na iyon. Noong umagang iyon, isang sobre ang nag-landing sa kanyang paanan, pagkabangon niya mula sa panaginip, pagkabukas niya ng pintuan.
Naisip ni Maya, inabot sila ng magdamag ni Chris pero pwede palang managinip kahit di natutulog. At noon ring araw na iyon, napatunayan niyang pwede rin palang bangungutin ang isang taong gising.
Binayo siya ng binayo ng Heneral. Amoy na amoy ni Maya kung gaano kabaho ang hininga nito, na parang may nabubulok na laman sa loob ng kanyang katawan. Nilalapit nito ang bunganga nito sa mukha ni Maya habang bumabayo, at matalim at paulit-ulit na binubulong, “Puta ka talagang puta ka.” Pinagduduraan siya sa mukha ng Heneral.
Pakiramdam ni Maya, nahuhulog siya. Nalulunod. May hukay. Nakakakain siya ng malamig, magaspang na lupa. May balon. Napupuno ang baga niya ng malamig, magaspang na tubig. Hindi siya makahinga. Hindi siya makaahon. Hindi siya makapalag.
Ang kaso, kumapit si Maya. Tinitigan niya ang mga mata ni Chris, na nakatitig rin sa mga mata niya. Para ngang di na nakikita ni Chris ang mga pangyayari – ang Heneral, ang na-ransack nilang kuwarto, ang mga basag na gamit, ang wasak nilang buhay, ang baril sa kanyang sentido. Sa tindi ng titig ni Chris, parang mga mata lang ni Maya ang nasasakop nito. Tumingin siya sa mga mata ni Chris. Sa tindi ng titig ng kasintahan, naging kongkreto ito’t solido, lubid, o anchor, o batong nakausli sa bangin, na kinapitan ng mahigpit ni Maya na parang sa titig nakasalalay ang kanyang pagkasalba.
Dinuraan siya ng Heneral sa mukha. Napapikit siya sa lagkit ng laway sa kanyang talukap, na dumausdos sa butas ng kanyang ilong. At pumikit siya ng mariin na mariin hanggang sa hindi niya namalayan, nakaraos na pala ang Heneral. Bumitiw siya sa kapit ng titig ni Chris. Bumitiw siya sa matayog na mga ulap at marangyang karagatan. Binitiwan niya ang basong may malamig na malamig na tubig na iinumin matapos ang matagal na matagal na pagtakbo. Bumitiw si Maya sa kapit ng titig ni Chris at hinawakan ang sariling mga kamay. Unti-unti siyang nakahinga.
Alam ni Maya, pinagmuntik-muntikanan na siya. Antalas pala talaga ng kutsilyo kapag umupo ka sa mismong talim nito. Oo naman, may mga pagkakataong tinulay na niya ang sariling hukay. Ang kuwento, kung naisalba ba na niya ang sariling buhay.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1147160768945640732006-05-08T15:36:00.000+08:002006-05-11T20:10:51.943+08:00Pag-uwi sa Madaling Araw
Lagi akong umuuwi sa madaling araw
dahil malaki at marami at mabigat ang laman ng bag ko.
Halos hindi ko mabuhat ang aking dala-dala –
lalo pa’t tuwing umuuwi ako ng maaga.
Tuwing sinusubukan ko namang bawasan ang laman
lagi akong nabibigo.
Hindi ko nga maintindihan.
Dahil bukod sa ibang bagay na itinuturing kong sikreto
walang ibang laman ang bag ko kundi mga tula lang naman.
Mga tula sa kani-kanilang mga uniberso.
Kapag umuuwi ako ng madaling-araw
hindi sa sinasabi kong nababawasan ang bagahe ko at gumagaan –
pero sabihin na nating nakakayanan naman.
Isinasabit ko ito sa aking kanang balikat,
kumakagat ang strap sa ‘king balat.
Hindi ako nagtataksi.
Gusto kong mapag-isa, nakakapag-isip ako ng malalim
pero ayoko namang walang kasama sa biyahe.
Humahagibis ang dyip sa kumikinang na aspalto ng Quezon Avenue.
Iniisip ko, kung dudura ako sa bintana
aabot ang laway ko sa Fairview.
Iniisip ko rin lagi ang tuksong itapon na lang
ang lahat ng laman ng bag ko
at paliparin sa labas ng bintana.
Pero hindi ko naman nagagawa.
Malamang kasi, kasama ng mga tula
kakalat ang utak ko sa kalsada.
Humahampas ang hangin sa mukha ko –
nasa harap pa naman namin ang nakapilang mga trak ng basura.
Tumatagos ang lamig sa buto ko.
Malamlam ang ilaw sa dyip.
Kumikirot ang kanang balikat ko.
Sa loob-loob ko, huwag kang magreklamo.
Sampung bote ng beer ang nasa lasing na nahihimbing sa tabi ko.
Dalawampung kilong galunggong ang nasa pagitan ng mga hita ng tindera.
Dalawang timba ng taho ang pinagkasya sa harapan ng mama.
Tatlong buwang damit ang kalong ng katapat kong bagong salta sa Maynila.
Dalawang sanggol ang yakap-yakap ng naglayas na ina.
Sambakol na problema ang nakaguhit sa mukha
nu’ng pinakamagara ang bihis sa aming lahat na tila magsisimba.
Tatlong icepick naman ang nasa bulsa ng binatilyo sa bandang kaliwa ko.
Sabi nila, ang lakas ng loob ko, kababae kong tao.
Pero iniisip ko, wala naman ‘atang dapat ikakaba.
Tanghaling tapat noong madukutan ako ng walong daan.
Ang ganda ng sikat ng araw nang marahas kaming buwagin sa rali sa Batasan.
Alas-siyete ng gabi nang minsang matutukan ako ng baril sa may Katipunan.
Pero ngayon, alas-tres ng umaga, itong binatilyong manghoholdap sana
ay tila nawalan na ng gana.
Pagbaba ko ng dyip, parang nais ko tuloy magpaliwanag:
Mabuhay kayo, mga kasama.
Malupit ang panahon at mabigat ang ating mga dala-dala.
Nagbi-biyahe tayo ng madaling araw dahil nangangahas tayo’t nagbabakasakali –
na sa ngayon, makikibuhat ako sa inyong araw-araw na pakikibaka;
na balang araw, makikita rin ang ating balintanaw.
Pero naiintindihan ko naman ang mga nag-aalala,
kaya’t pasensya na.
Umiingit ang pinto tuwing binubuksan ko ito.
Pasensya na, sa lahat ng naiistorbo.
Tinatanggal ko ang putikan kong sapatos pagpasok.
Iinom ako ng tubig.
Huhugasan ko kung may natirang mga plato sa lababo.
Nakayapak akong papasok sa kwarto.
Napapailing ako, lagi na lang akong kinakapos sa oras.
Pero umuuwi pa rin ako kahit madaling araw,
umuuwi kahit delikado, kahit pwede pa namang ipagpabukas,
kahit malamig at nag-iisa.
Dahil kapag umuuwi ako ng madaling araw, umuuwi akong hapô.
At sa mga oras na iyon, pwede ko nang ipikit ko ang mga mata ko –
sa mga panaginip lang ako susuko.
Dahan-dahan at buong pag-iingat,
ilalapag ko sa wakas ang mabigat kong bag.
*Para sa mga anak ng digma - pasensiya na kung ang mga nanay ninyo'y inuumaga
Happy Mother's Day!
* Palakpak kay Benrey Densing para sa artworkanamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1144738301129798142006-04-11T14:29:00.000+08:002006-04-11T16:57:26.166+08:00black coffee, blue morningsabado. 3 a.m., shaw crossing overpass. dalawang kulay-langit na step-in sa railing ang naiwan nang tumalon bumulusok pababa at saktong sumalpok sa rumaragasang trak ang taong minsang nagmay-ari dito. napahiyaw ako nang makita ko ang wasak-wasak na laman sa kahabaan ng EDSA - mas durog pa sa giniling, mas maayos pang titigan ang tinadtad na karne sa palengke.
5 a.m., rooftop sa kalagitnaan ng dalawang siyudad. dumating ang text, "da patay na si T (matalik na kaibigan at pinsan ni E)." kinuwento sa akin ng nanay ni T, sa taxi papuntang ospital binawian ng buhay ang 30 anyos niyang anak na may cancer. tinanong daw ng taxi driver kung ano'ng tunay na pangalan ni T. sabi ng driver, "robert francis, pasensiya na ha, ginawa ko talaga ang lahat para madiliin ang biyahe pero, di talaga umabot e, naunahan tayo sa pagsundo."
6:45 a.m., balara commune. morning ritual 01. ang isang umagang walang kape ay para ring pagtulog.
i had some dreams
they were clouds in my coffee
clouds in my coffeeanamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1144148184114279772006-04-04T18:45:00.000+08:002006-04-06T12:47:34.926+08:00NY Cubao/City
N.Y. Cubao
A Photo Extravaganza
Artists from N.Y. City & Cubao
April 04, 2006
Bare Wall Gallery, East Greenhills
Trip to New York
Dada Nartea. Yihi. Hehe :)anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1143019288577224782006-03-22T17:17:00.000+08:002006-03-24T19:58:58.466+08:00my heroat tumalon na tayo
sa bangin
magpasagasa
na tayo sa tren
paputukan man tayo
ng baril
dahil pag kasama ka
hindi ako tinatablan
ng bala
(lady bedspacers)
anton with zorro. never again concert, sunken garden.anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1142221522924582812006-03-13T11:35:00.000+08:002006-03-13T11:49:17.503+08:00Dahil lahat ng panahon ay panahon ng pagpapasya at lahat ng pagpapasya ay ibinababa sa kalagitnaan ng mga emerhensiya
http://emergenciapoemas.blogspot.com
iniluwal, xinerox, dinesemineyt sa kalagitnaan ng kulimlim ng isang linggo nitong marso
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1141622570834536222006-03-06T13:21:00.000+08:002006-03-06T13:25:59.016+08:00Paradise Express IIPag-asa sa Mga Bagay na Di-Inaasahan
Sa Golden Fortune Tea House, sa gitna ng usapang pagibig at pulitika napunta ang usapan sa: kung pagkain ang ilang certain people nagdaan sa buhay namin, ano sila? Sa pagitan naming tatlo, eto ang naalala kong mga sagot:
Deconstructed sandwich.
Azucenang papaitan sa isang deserted at malamig na kalye sa Baguio.
Kape sa ilalim ng mapusyaw na ilaw at mapagbantay na mga weyter sa isang kainan sa Cubao.
Herbed, buttered higanteng lobster na titirahin ng nakakamay at nagmamantika ang nguso.
Caviar, kasi hindi pa natitikman.
Order sa restoran na antagal-tagal na inintay, kinainipan, at iniwan, na hanggang ngayon ay di tiyak kug dumating ba talaga.
Atat si Aronofsky na basahin ang isang bagong gawang tula. Sa una medyo wala akong gana sa isang poetry reading matapos ang lagpas isang oras na paglalakad. Pero binanggit niya ang magiging titulo ng koleksyon: “Pag-asa sa Mga Bagay na Di-Inaasahan.” Astig! Hooked naman kami ni Tarantino.
Kaya ayun. Sa harap ng higanteng mangkok ng HK noodles, spinach dumpling, asado, soy chicken, siopao, mango pudding, almond milk tapioca, coffee milk tea, mainit na tsaa sa basong plastik – binasa ni Arnofsky ang isang malambing na oda tungkol sa kung paano hintayin ang pagdating ng ulan. Kung paanong ang pagdating nito ay tikatik sa bubong ng isang malungkot na bahay. O banayad na ambon para sa isang dalagang naghihintay sa isang kasintahan na namundok. O sanlaksang bagwis sa nanunuyot na palayan.
Napaisip tuloy ako – paano ko ba karaniwang inaasahan ang pagdating ulan? Napakanipis ng suot ko. Walang payong, jacket o kahit kapirasong balabal. Naka-shades at kumakain ng halo-halo. Nakaharap sa electric fan or better yet – nakaback float sa gitna ng walang kaalon-alon, banayad na dagat. Walang kidlat, malamig na tapik ng hangin o makulimlim na papawirin. Marso, tirik ang araw, halos trenta degrees Celsius ang temperatura. Tapos, walang abiso, walang kiming ambon ni padabog na kulog, bumuhos ng pagkalakas-lakas walang habas harabas na ulan. Dumating ang ulan, sa eksaktong sandaling hinding-hindi ko pa inakala.
Paano ko inaasahan ang pagdating ulan? Hindi. anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1141620357140910732006-03-06T12:34:00.001+08:002006-03-06T13:20:41.363+08:00"You will never stub a toe standing still" - Charles Kettering, inventor of the electric starterspeaking of foot massages at tarantino
You're known for starting trouble. But you play it cool. Besides, no one can resist your sharp eyes
and quick wit. *They* eat from the palm of your hand. Though you have weaknesses, which may have deadly
consequences, you, are resurrected, as if the gods themselves breathed immortality into you.
Take the
What Pulp Fiction Character Are You? quiz.
Vincent: Have you ever given a foot massage?
Jules: Don't be tellin' me about foot massages - I'm the foot fuckin' master.
Vincent: Given a lot of 'em?
Jules: Shit yeah. I got my technique down and everything, I don't be tickling or nothin'.
Vincent: Would you give a guy a foot massage?
Jules: Fuck you.
Vincent: You give them a lot?
Jules: Fuck you.
Vincent: You know, I'm getting kinda tired, I could use a foot massage.
Jules: Man, you best back off, I'm gittin' pissed. Look, just because I don't be givin' no man a foot massage don't make it right for Marsellus to throw Antoine into a glass motherfuckin' house fuckin' up the way the nigger talks. Motherfucker do that shit to me, he better paralyze my ass cuz I'll kill the motherfucker, know what I'm sayin'?
Vincent: I ain't sayin' it's right. But you're sayin' a foot massage don't mean nothing, and I'm saying it does. Now look, I've given a million ladies a million foot massages, and they all meant something. We act like they don't, but they do, and that's what's so fucking cool about them. There's a sensuous thing going on where you don't talk about it, but you know it, she knows it, fucking Marsellus knew it, and Antoine should have fucking better known better.
pati na rin pala ang un chien andalou nina buñuel at dali
at ang pangkalahatang seemingly surrealismo noong mga panahong dinescribre pa ako ng now-defunct manila chronicle bilang '15-year-old rocker.' yikes.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1141618662140639032006-03-05T12:13:00.000+08:002006-03-06T13:04:39.616+08:00Paradise Express
Noong Huwebes eksaktong alas dos ng hapon, nakaramdam ako ng isang matindi, seryoso, walang stir,if-I-kill-him-would-you-give-me-a-foot-massage kinda pagod. Sa totoo lang, matagal-tagal ko na rin namang inaasahan ang paniningil nito sa akin.
Sabi ni Tarantino, ‘yung kaibigan kong may solusyon sa lahat ng bagay (problema man ‘yun o hindi), “Kelangan mo nang mag-quiapo.”
- Ang Quiapo, bukod sa ibang bagay (lugar, teksto, pinirata haven, sinapupunan/kilikili ng Maynila, bilihan ng perpektong piniritong lumpia togue, etc.) ay isa ring verb. Tulad rin ng “Igoogle natin ‘yung perslab mo, game!” or “Tangna tsong, ijujuts ko na lang ‘to.”
- Off limits: hinarangan ang gitnang aisle patungong altar ng Quiapo Church. Walang puwang tuloy ang mga naglalakad-paluhod-sa-altar-habang-nagdarasal.
Walled City bilang mapa ng memorya
- Sa Intramuros, tinagpo namin ni Aronofsky. Sumagi sa isip ko ‘yung isang tao mula sa malayong-malayong-malayong nakaraan, na nagpaintindi sa akin kung paano’ng magkakadikit ang likaw ng bituka ng Recto, Quiapo, Binondo, Tutuban, Divisioria at Frisco – tinahi namin ito sa pamamagitan ng paglalakad.
- Sa San Agustin Church, may kinakasal. Ang harot ng entourage, tawa sila ng tawa. Firecrackers imbes na isinaboy na bigas. Longhaired ang groom at may piercings sa tenga, kilay, lower lip. Ang bridesmaids, rumampa in supermini cocktail dresses in screaming red, may malalaking plastic flowers sa buhok. Nang titigan ko ang bride shet: nalunod ako sa walang katapusang alon ng busilak sa kanyang traje.
Canal dela Reina at mga malikmata
- Sa Canal dela Reina, saktong papalubog na ang araw. Pinakaperpektong timpla ng pusyaw at nostalgia ng kulay kahel, astig! Salamat marahil sa (1) POV ng Haring Araw sa ating arkipelago; (2) madugong kasaysayan ng Maynila; (3) tindi ng polusyon sa atmospera sa bahaging ito.
- Napaluha sina Tarantino at Aronofsky pagdating sa puwerta ng Binondo. Old Europe mhen. Sa kisapmata ng sirang romantiko, tila ferry sa Ilog Seine (Uy, sina jesse at celine ba yun, nagnenegotiate ng kanilang pag-ibig?). No, no, no - cargo vessels lang pala patawid ng Ilog Pasig.
- Si Tarantino, biglang naisipang gusto palang magturo sa kalapit na [certain Manila university]. Hinamon ko siya sa katotohanan ng existence nito - me kakilala ba siya, kahit sino, na nag-aral dito?
“Iniluwal lang ang konsepto ng [certain Manila university] dahil marahas ang lunsod. Kinailangan ng sambayanan ng ideya na somewhere, may pamantasan sa tabi ng isang ilog na lumalamon sa pinakamagagarang mga dapithapon,” sabi ko, perfectly spoofing ang mga retorika ni Arnofsky sa urbanismo at alienation.
“Don’t fuck with my brain,” sabi ni Tarantino.
“Cometothinkofit,” sabi ni Arnofsky, sa utak niya niluluwal ang isang semester na naman ng mga teorya.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1141019520442979792006-02-27T23:50:00.000+08:002006-02-27T13:52:00.443+08:00Déjà vuPost ni Kayuti sa egroup:
PROCLAMATION 1081
NOW, THEREFORE, I, FERDINAND E. MARCOS, President of the Philippines, by virtue of the powers vested upon me by Article VII, Section 10, Paragraph ('2) of the Constitution, do hereby place the entire Philippines as defined in Article I, Section 1 of the Constitution under martial law and, in my capacity as their commander-in-chief, do hereby command the armed forces of the Philippines, to maintain law and order throughout the Philippines, prevent or suppress all forms of lawless violence as well as any act of insurrection or rebellion and to enforce obedience to all the laws and decrees, orders and regulations promulgated by me personally or upon my direction.
PROCLAMATION 1017
NOW, THEREFORE, I Gloria Macapagal-Arroyo, President of the Republic of the Philippines and Commander-in-Chief of the Armed Forces of the Philippines, by virtue of the powers vested upon me by Section 18, Article 7 of the Philippine Constitution which states that: “ The President…whenever it becomes necessary,…may call out (the) armed forces to prevent or suppress…rebellion…, “ and in my capacity as their Commander-in-Chief, do hereby command the Armed Forces of the Philippines, to maintain law and order throughout the Philippines, prevent or suppress all forms of lawless violence as well any act of insurrection or rebellion and to enforce obedience to all the laws and to all decrees, orders and regulations promulgated by me personally or upon my direction; and as provided in Section 17, Article 12 of the Constitution do hereby declare a State of National Emergency.anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1141019308280297432006-02-26T00:59:00.000+08:002006-02-27T13:49:37.140+08:00Mga AlipatoIsang araw, naramdaman ni Gloria na bilang na ang mga araw niya sa itinuturing niyang Paraiso. Kahit pa itinakwil na siya – nagsusumiksik pa rin dito. Sino nga namang hangal ang bibitiw na lang – samantalang “pinaghirapan” niyang makarating dito.
Aniya: “I am sorry. Pero ano ba’ng nirereklamo n’yo? Likha lamang ng dakila ninyong imahinasyon ang mga sinasabing ebidensiya ng pagkakasala. ‘Yung bawal na prutas? Wala akong pinitas. ‘Yung narinig ninyong tunog ng pagkagat ko sa malutong na balat nito? Wiretapping ka ha, iligal ‘yan. At ‘yung napulot ninyong nabubulok at inuuod na prutas sa lupa? Walang bulok dito, dahil ang Paraiso ay Paraiso ay Paraiso.”
Kaya’t nilibot ni Gloria ang Paraiso. Nakipagkamay sa kanyang mga nasasakupan. Ngumiti. Nanumbat, kung kinakailangan, tungkol sa mga bagay na kanyang “ibinigay.” Kumaway ng kumaway.
Pumunta siya sa mga lugar kung saan bitak-bitak sa pagkatigang ang lupa. Pero hindi niya ito alintana. Sagana sa tubig sa Gloria. Pumunta siya sa mga lugar kung saan ang mga bata’y namamatay sa gutom. Pero hindi niya ito alintana. Laging busog si Gloria. Pumunta siya sa mga lugar kung saan napakadilim. Pero hindi niya ito alintana. Hindi siya napuputulan ng kuryente. Pumunta siya sa mga lugar kung saan walang matirhan ang mga tao. Pero hindi niya ito alintana. Nakatira siya sa Palasyo.
Pumunta siya sa lugar, na kahit nasasakupan, ay hindi pala siya pwedeng makadaan. Wala na raw iyon sa kanyang kapangyarihan, sabi ng mapuputing mga sundalong wari niya’y mga anghel.
“This territory belongs to God,” sabi ng sundalo. “So beat the shit outta here.”
“Amen,” buong pagkukumbabang sabi ni Gloria.
Pumunta siya sa mga lugar kung saan ipinagutos niyang dukutin ang mga mata ng nakakakita, at gawing kilawin ang dila ng mga nangahas magsalita. Ito, inalintana ni Gloria. “Kulang sa timpla,” aniya, at nakisubo pa siya.
Ngunit hindi nagtagal ay dumating ang mga Tagapaghatol: Itinaboy nila si Gloria mula sa lugar na iyon, na hindi man Paraiso dahil hikahos at marahas, ay para talaga sa kanila.
“Impiyernong buhay ito,” usal ni Gloria.
Nilamon si Gloria at lahat ang buong uniberso ng kanyang panlilinlang, panlalapastangan, at pagpaslang, ng matatalim na dila ng apoy ng kasaysayan. Mula sa abo, mayroong bagong mundong iluluwal ang mga alipato. Iluluwal ng walang kamatayan, naglalagablab at ginintuang liyab mula sa ilanlibong sulo. anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1141019025299707772006-02-26T00:41:00.000+08:002006-02-27T13:53:48.076+08:00Stating the ObviousAndaming kailangang isulat. Pero ‘di makafocus. Sinubukan ang isang writing exercise mula sa baul ng aking high school memories: ‘Controlled’ automatic writing. Isulat ang lahat ng nasa isip, walang hinto, walang edit – pero nakafocus sa isang porma at paksa hanggat kaya (Dito, “stating the facts” ang tema.). I-timer ang sarili, halimbawa 3 minuto. Dapat ba talagang i-blog ito. Hahaha ang chaka.
Gusto Mo Ba’ng Malaman ang Totoo?
Lima ang puso ng mga bulate.
Tao lang ang hayup na natutulog ng nakatihaya.
Bago umabot ng edad singkwenta,
ginugol mo ang higit limang taon ng buhay mo sa mga pila.
Biente kuwatro oras lang tumatagal ang buhay ng mga tutubi.
Biente kuwatro oras bukas ang Jollibee.
Ang buong mundo ay isang partikular na organismo.
Ang puso ay nasa bandang kaliwa ng iyong dibdib.
Binubuo ng pitumpung porsiyentong tubig ang daigdig.
Nanunuyot itong ating arkipelago.
Umaapaw ang tubig sa porselanang lababo.
Mayroon tayong pitong libo pitondaang mahigit na mga isla.
Natutunaw ang mga perlas sa suka.
Masarap sumisid.
Masarap ang sisig.
Binarikadahan ng alambre ang Mendiola.
Bawal nang magrali sa EDSA.
Minsan tumitingin ako ng hatinggabi sa kalangitan:
Nagniningning pa rin ang mga piraso ng kristal naming pag-iibigan.
Peke ang pangulong nasa palasyo.
Pero tumitikatik na ang orasan.
Huwad ang mga pinagpilitan lang.
Payaso, pangulo, palasyo, palaso.
Dibdib, daigdig, sisid, sisig.
Masarap ang kape kahit malamig.
Hindi ko matahi ang tulang ito.
Pero gusto ko lang naman malaman mo ang totoo.anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1140681195112625212006-02-23T15:47:00.000+08:002006-02-23T15:59:27.140+08:00Kaset teyp, songhits, bayaning robot atbp.Sawa ka na ba sa mga hassle sa buhay mo? Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili?
Tinatamad ka na bang bumiyahe?Ang gusto mo'y nakahiga na lang?Napapagod ka na ba sa kayayakap sa asawa mo?
Kaya naman para bang pinupuntirya rin ng Eraserheads ang sarili – na isang magandang bagay -- lalo na sa kantang ”Superproxy 2k6” ni Francism (at Ely Buendia) dahil sa pagkahumaling sa "artipisyal na aliw” na dala ng midya, lalo na sa mga bagong daluyan nito sa teknolohiya. Bukod sa makabuluhan, mahusay din ang bago at makabagong bersyong ”2k6” ng ”Superproxy.” Mula sa "Ligaya,” isinasalarawan nito kung gaano na kalayo ang saklaw ng paksa at interes ng Eraserheads sa paglipas ng panahon...
Matapos ang kung ilang pagtambay sa mga konsyerto, libu-libong yosi at kwatro kantos, pagkabaliw ng mga kaibigan, pagdating at paglaki ng mga anak, at mga pagbabago sa teknolohiya na hindi na masundan – tuloy pa rin ang pagrurok, paghupa, pagrurok ng eksena.
Nostalgia, ang pagtupok dito at iba pang tips - bisita lang sa www.rebyuhan.blogspot.com
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1140146738825218402006-02-17T11:22:00.000+08:002006-02-17T18:34:37.266+08:00Karma
AKO: Hindi ka nag-aaral, tsumatsamba ka lang sa exams mo. Ni hindi mo binubuklat notebooks mo kung 'di pa tayo magpipilitan. Wala ka man lang ka effort-effort! Ang yabang-yabang mo, kala mo lagi ka na lang makakalusot? Kala mo lagi mo nang madadaan mo sa tsamba grades mo? 'Yan na lang naman ang hinihiling ko sa iyo. Hindi mo man lang pantayan mga paghihirap ko sa 'yo. Dala-dalawa, tatlo-tatlo trabaho ko para lang buhayin ka. Ok lang naman sa kin 'yun pero sana naman tapatan mo rin 'yan ng pag-aaral mabuti. Pagod na 'ko, Anton! Alam mo 'yun! Grabe!
Nakayuko siya, nakakunot ang noo, pailing-iling minsan. Nang sabihin kong "pagod na ako," napatingin siya sa akin sa paraang feeling ko, punung-puno ng awa at pag-unawa.
Nang magsalita ang bugoy, me kahalong palatak, mukhang problemadong problemado't mangiyak-ngiyak pa.
SIYA: Kasi naman Dada, ba't nagkaanak kasi ka agad. 'Yan tuloy nahihirapan ka. Tsk, tsk, tsk.
anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8384959.post-1140000275737516002006-02-13T22:42:00.000+08:002006-02-15T18:46:41.636+08:00Ang BisitaNakatanghod ang biyuda sa harap ng kabaong nang dumating isang dapithapon ang di-naimbitahang bisita. Dire-diretso itong tumuloy sa maliit na dampa: walang ni ha ni ho, walang pagbati ng magandang hapon o banayad na tango, hindi nagtanggal ng salakot o nagpagpag ng putikang sapatos, hindi man lamang sumaglit upang mag-antala ng krus. Dire-diretsong tila lapastangan o walang modo: huminto lamang sa harap ng biyuda, humalik ng marahan sa nakayuko nitong noo.
“Di kita inanyayahan o napaghandaan, gayunpama’y inaasahan ko ang iyong pagdaan,” anang biyuda, habang pinagsisilbihan ng kape ang bisita: sa maypingas na tasa, wala gatas, walang asukal, itim, madilim.
Kung sumagi man sa isip ng biyuda na ipagtabuyan ang bagong-dating, agad namang naiwaglit ang balak. Dahil kahit papaano’y pamilyar din naman sila sa isa’t isa. Ilang ulit na itong nakisalo sa aba nilang kusina o pumagitna sa tabi nilang mag-asawa sa kama. Nagkakilala na sila, noong walang tigil na sumuka ng dugo ang kanyang bunso, nagkita nang unang ibinalita ng asawa ang welga sa pabrika, nagkatabi sa isa ring burol tulad nito, wala pang isang buwan ang nakaraan, sila-sila rin ang nagkita-kita.
Sa gayo’y masasabing mabuti naman ang naging pagharap sa kanya ng biyuda: ginunita ang masasayang alaala sa piling ng asawa, inisa-isa kung sinu-sino ang nakiramay, dinetalye ang karumal-dumal na salaysay ng pagpaslang. Nang ideklara ng bisita ang pasyang doon na magpapalipas ng gabi ay walang pag-aatubiling inilabas ng biyuda ang isa pang kumot sa tabi ng kanyang ulunan. Bandang alas dos nang sila’y magtalik, ngunit matapos nito’y agad ring nagbihis ang biyuda, nagsuklay, nagwalis ng bahay.
“Makakaalis ka na,” sinabi niya sa nahihimbing na bisita sa kanyang kama.
Malayo pa ang bukang liwayway ngunit marami pa ang gawain. Mag-init ng tubig sa kalan. Maglinis ng bahay, paliguan ang mga bata, diligan ang mga tanim, asikasuhin ang libing, katayin ang nag-iisang manok na ititinola upang isilbi sa mga magsisidalo ng huling misa. Maya-maya pa sisikat ang araw ngunit alam niyang marami-rami rin ang iniwan ng kanyang asawa, oo’t naantala siya ng pansamantala ngunit ngayon - oras na.
Habang ginigilitan ang leeg ng manok at pinapanood ang dugo nitong tumutulo sa nabibitak na lupa, naisip niyang hindi ganito ang paraan upang mamatay, walang imik, tahimik, tila nagpapaumanhin pa sa abala.
Sa gilid ng kanyang mga mata’y nakita niyang humahakbang na ang bumisitang lumbay palabas ng kanyang bakuran, ngunit hindi,
hindi na niya ito hinatid pa ng tanaw.anamoraytahttp://www.blogger.com/profile/05963437752665944093noreply@blogger.com